Bakasyon na naman! Maraming mga kabataan ang...
-magsisiuwian sa kanilang mga probinsiya
-"outing" kasama ang pamilya o mga kaibigan
-tutulong sa ibang gawaing bahay
-lalahok sa mga paliga ng basketbol o iba pang mga laro
-maghahanap ng mapagkakakitaan o hanapbuhay
-mas dadalasan ang paglalakwatsa
-hihigitan ang libreng oras sa paglalaro ng mga "computer games," PSP, "nintendo Wii," atbp.
-magpatuli (para sa mga kabataang lalake)
Ang iba naman, lumahok sa mga "workshop" upang tuklasin o palawakin ang angking talento. Talentong naghahanap pa ng apoy upang mag-alab ang bawat biyaya na ipinagkaloob Niya sa atin.
Si Janice Hung, ang nagpasimula ng Muzikademy ay nagsasagawa ng libreng pag-aaral ukol sa musika, wushu, at taichi para sa mga interesadong kabataan.
Sa pag-aaral ng musika, nililinang ang ating pagkamalikhain, pagmamahal sa sining, pakikipag-kapwa, at ito ay isang uri ng pagpapahinga ng isipan.
Ang taichi ay isang uri ng sinauna at malumanay na ehersisyo upang linangin ang cirkulasyon ng likido sa ating katawan, mabalanse ang ating katawan at isipan, kalamnan at mga buto, pati na ang kaliwa at kanang utak.
Ang wushu naman ay isang "marshal arts" na nagpapakita ng liksi, bilis, lakas, at sining gamit ang katawan.
Sa paglahok sa mga ganitong programa, natutunan ng isang kabataan na masubok ang kanilang galing, tapang, pasensiya, talino, diskarte, pagpapakumbaba, pakikihalubilo sa mga tao, disiplina, pakikipagkaibigan, at kahalagahan ng pagsunod sa tama. Nakatutulong rin ito sa kanila upang makaiwas sa masamang bisyo.
Si Janice Hung ay isang Tsino na nakatira sa Maynila na nag-aral ng kasanayan ukol sa "martial arts," isang modelo, at magaling na aktres.
Sa mga kabataang interesadong makakuha ng libreng pag-aaral ukol sa musika, taichi, at wushu:
lot 2 block 6 Jordan Plains Phase IV, Don Mariano ave., Quezon City
Telepono: 585-3200
0917-8258099
o busita sa kaniyang "website."
No comments:
Post a Comment