Ford's Smart Car

Monday, March 28, 2011

ANG AKING KASAMA SA PAKIKIPAGSAPALARAN



Isa lang ang aking maisasagot sa tanong na ito. Ito'y dili't iba kundi si Jaziel Oliveros.
noong unang panahon...
ang araw ng aking panunumpa bilang inhinyero
Mula sa isang upuan sa paaralang pangkolehiyo hanggang sa relasyong dinarang ng maraming ulit sa apoy sa loob ng anim na taon. Mga taong may hirap, pagluha, mga problema, mga hadlang ngunit maraming maliligayang sandali, kasiyahan, pananampalataya, pag-asa at pag-ibig.


kuha gamit ni Bb. Jaziel ang mahinang klase ng kamera sa "Pyrolympics", ang galing!
Nagkakilala kami sa panahong binubuno namin ang kolehiyo, noong araw na kami ay magkatabi sa loob ng silid-aralan. Nabuo ang isang pag-ibig na may kasamang pangako na hindi iiwanan ang isa't isa hanggang malagutan ng hininga. Ako ang bida sa buhay niya at siya naman ang bida sa buhay ko at ang aking prinsesa, sinuong namin na nakangiti ang bawat bagay at pangyayari sa pagitan naming dalawa. 


Hindi lamang ito istorya ng pag-ibig ngunit pinaghalong istorya at karanasan sa buhay.


sa "People's Park in the Sky"
ang aming unang malayong paglalakbay na ginawa, ang Tagaytay
sa pag-akyat...
Ngunit nasaan ang aspeto ng pakikipagsapalaran? Ang aking ikalawang kahulugan sa salitang ito ay ang salitang "buhay".


 ang aking kaarawan sa Star City
Ang aking buhay ay hitik ng pakikipagsapalaran. Marami na ang aming pinagdaanan. Pagod, puyat, sakit ng kalooban, hindi mabilang mga araw na nag-iiyakan. Ngunit sa ibabaw ng lahat ay katuwaan. Sinuong na namin ang karamihang bagay at pangyayari na inihanda sa amin ng panahon sa tulong at awa ng Panginoon. Ang mga linyang ito ay aking natututunan sa isang awiting pangsimbahan at ipinagmamalaki ko na kami ay kaanib sa pagsasama-samang ito.


sa Manila Collective | photospace+cafe
Kasama ang aming mga mahal sa buhay na gumagabay sa amin, nalampasan namin ang mga ito. Pinaghalong kasiyahan na may kalungkutan ngunit lamang ang kasiyahan sa Panginoon. Bawat kalungkutan naman ay sa Panginoon na may pagpapasalamat na palagi, maligaya man o malungkot ang pakikipagsapalaran sa buhay.


Star City! Yahoo!
Kung tutuusin, kaunti lamang ang aming paglalakbay sa mga malalayong lugar dahil na rin sa kakapusan ng panahon at salapi ngunit ang makasama ko siya sa araw-araw ay sapat na upang mapagsaluhan at maranasan ang mga simpleng ligaya sa aming buhay gaano man ito kaliit o kalaki.


Hindi ko masisisi ang aking sarili kung bakit siya ang aking itinuturing na kasama sa aking pakikipagsapalaran o sa aking buhay. Siya ang isa sa inspirasyon upang aking harapin ang "pakikipagsapalaran sa buhay".


At sa likod ng mga bagay na ito, walang hanggan ang aking pagpapasalamat sa Ama dahil sa walang katulad na kapalarang ito, maging ito ay masama man o mabuting pakikipagsapalaran.


Ito ay aking opisyal na piyesa sa isang patimpalak (“This is an entry to Wanderlass Adventure Partner Contest”) ni Bb. Lilliane Cobiao. Bumisita lamang sa


Wanderlass Travels
www.wanderlass.com/2011/03/my-adventure-partner-contest.html

at sa kanilang "fan page", ang Wanderlass Travels.
para sa iba pang mga detalye.



2 comments:

  1. mgnda po kso mron po atang mali like ung nakatingi,nakangiti po ata dpt un...

    ReplyDelete
  2. Salamat po sa pagpuna sa aking kamalian. miss you ate lenie!

    ReplyDelete