Tulad ni Ginoong Carlo Ople, ako ay isang malaking tao. Hehe!
Kulang rin ako sa ehersisyo. Una sa lahat, wala kasi akong pares ng sapatos na maaaring na pangtakbo o pang-ehersisyo.
Mayroon ako noong sapatos na sinusuot sa "gym" o sa mga imbitasyon ukol sa pagtakbo ngunit dahil sa sikat na bagyong "Ondoy", lumubog ito sa tubig-baha na may putik. Matagal itong nababad kaya nilinis at pinatuyo ko ito. Matapos ang ilang mga araw, ginamit ko ito. Napansin ko na lumutong ang ilalim ng aking sapatos at ano ang nangyari? Natuklap ito na parang balat ng punong-kahoy.
Nawala ang sapata(outsole)!!!
pa'tner!!! |
Sa ngayon nakatago pa rin ito sa aking lalagyan ng mga sapatos. Ginagamit ko ito minsan upang matugunan ang aking pangangailangan sa isang "fun run" sa Lungsod ng Pasay. Hindi na ito magandang gamitin pangtakbo dahil wala na kasi itong tinatawag na kapit sa semento. Madulas at mas madali na itong pasukan ng tubig.
Ngayon, gusto kong baguhin ang aking nakagawian. Gusto kong muling maging malusog at hindi mataba. Nais kong maranasang muli ang aking datihang ginagawa noong ako at nasa sekondarya, ang mga ensayo at pagpapalakas ng katawan sa COCC.
Kung tutuusin, naiiiwan na ako sa aking mga gustong gawin. Usong-uso na ang mga patimpalak ukol sa pagtakbo na naglalayong maisulong ang kanilang layunin: ang makatulong sa kapwa, pagpapakalap at pagpapalaganap ng impormasyon, paglaban sa mga maling gawain, pagpapayabong ng Inang Kalikasan, pag-iwas sa droga at marami pang iba.
Nais ng aking puso na makalahok sa mga ganitong paligsahan kahit alam ko na hindi ako magwawagi ng kahit isang mataas na posisyon. Ngunit alam ko na ako ay nakapagkamit ng
-malusog na pangangatawan;
-matalas at maliwanag na isipan;
-masiglang pangangatawan;
-masayang panahon sa piling ng aking minamahal na kasintahan;
-kasiyahan at higit sa lahat;
-maraming kaibigan sa kurso ng bawat pagtapak ng aking mga paa gamit ang bagong
pa'tner??? hehe!!! |
Maaari rin kayong sumali. Lamang ay bumisita doon para sa mga kumpleto at kaukulang detalye.
Bisitahin mo ang UNBOX.ph kung kayo ay gaya ko na mahilig sa teknolohiya at sa UNBOX Facebook page upang maging tulad ko na siksik ang kaalaman pagdating sa bago at usong "gadget".
Haha, nice entry. Thanks for joining!
ReplyDeleteang galing ng entry mo.. good luck!
ReplyDeleteSalamat po Boss Carlo!
ReplyDeleteSalamat skamid!
ReplyDelete