|  | 
| Maligayang Kaarawan! | 
Alay kay Nanay - 
"Salamat  Nanay." 
Mga salitang aking binigkas kasabay ng malakas na palakpak. Ito  ang eksena sa isa sa mahalagang araw sa aking buhay, ang aking  panunumpa bilang Rehistradong Inhinyero Elektrikal.
Lagpas isang dekada na noong maghiwalay ang aking Tatay at Nanay. Pinili ko ang makapiling ang aking Tatay.
Bakit?
Inisip ko na sumama sa taong may kapasidad upang ako'y mapagtapos sa pag-aaral. Nawalay ako sa piling ng aking Ina.
Nagsikap  akong tumayo sa sitwasyong naipit ako at palagi kong hinahanap ang  kalinga ng aking Nanay. Nahirapan ako sa gawaing-bahay sa umpisa. Noon, hindi ako ang umiintindi nito ngunit tumutulong ako kay Nanay paminsan-minsan. Tuwing nagkikita kami ni Nanay, nakikinig ako sa lahat ng kaniyang payo, maging sa bahay o sa buhay man. Sa mga ganitong pagkakataon, nadarama ko ang salitang sinasabi niya sa akin sa telepono, ang salitang pag-ibig.
|  | 
| Abot mo ang mundo. | 
Huminto ako sa aking pangarap.
Mahirap  sa umpisa... ang bumagay sa ganitong sitwasyon.
"Iba pala kapag wala si Nanay."
Nag-aaral ako at gumagawa sa bahay. Hinihibog ang aking pagkatao sa mga salitang nagsasabi sa akin na magsikap at magpakatatag. Noon kasi ay hindi ganoon ang sitwasyon.
Ang simula...
Hindi  lamang dapat maging ganito ang aking kalagayan. Pinili kong ipagpatuloy  ang aking pag-aaral. Dahil sa naging kasanayan na ang mga habilin ni  Nanay, naging magaan ang mga simpleng responsibilidad sa bahay.  Pinanghawakan ko ang kabutihan at ang ibubunga nito sa aking  kinabukasan.
Ang Tulong...
Naging  mas madalas ang pagkikita namin ni Nanay. Tuwing nagkikita kami,  sinusulit namin ang araw at hinihilom nito ang sugat, pinapatibay at  pinapatatag ang lubid bilang mag-ina. May masaya at malungkot na  pangyayari na aming napag-uusapan na humubog sa aming pagkatao.
Pagkatapos...
|  | 
| Uwian na! | 
Limang  taon ng pagsisikap sa tulong at malayong paggabay ni Nanay, nakatapos ako bilang Inhinyero Elektrikal. Hindi man maganda ang  aking naging grado, pinilit kong maging mabuting ehemplo sa aking mga  naging kamag-aral. Sa palaging paggabay ni Nanay, nag-alab sa aking puso  na huwag gumuho ang kaniyang tiwala sa akin.
Tagumpay!
Matapos  ang ilang buwan, nakapasa ako sa pagsusulit para maging Rehistradong Inhinyero Elektrikal. Higit sa  pinakamaligaya sa aming pamilya pangalawa sa akin ay si Nanay. Inabangan  niya sa pambansang lathalain ang aking pangalan.
Panunumpa!
Dumating  ang araw na hinihintay ng aking pamilya. Kasama ko ang aking mahal na  Nanay at katipan noong maganap ang aking panunumpa. Nasabi ko sa aking  sarili,
"May plake na ang aking Nanay!"
Habang  nagtatalumpati ang panauhing pandangal na si Kgg. Sen. Franklin Drilon,  inanyayahan niyang tumayo ang mga magulang at mga pumatnubay sa mga  nanunumpang inhinyero.
|  | 
| Ngiti! | 
"Salamat  Nanay." ang salitang aking binigkas kasabay ng malakas na palakpak.  Noong pagkakataong iyon, nais kong lumuha ngunit napigilan ako ng  pagkakataon dahil ito ay araw para sa kaniya, kay Nanay.
 
Si Nanay ang bayani ng buhay ko hindi lang sa loob ng aming tahanan, pati ang "literal" na labas ng tahanan.
|  | 
| Ako, si Nanay, at si Jaziel. | 
At  pauna na rin itong pasasalamat sa Dios dahil sa pagbibigay Niya ng isa  pang taon upang maramdaman namin ang kaniyang pagmamahal. Maligayang Kaarawan sa ika-24 ng Marso!