Ford's Smart Car

Friday, April 29, 2011

Alter Space




Our virtual step to reduce CARBON FOOTPRINT...


A carbon footprint is the total amount of greenhouse gases produced to directly and indirectly support human activities, usually expressed in equivalent tons of carbon dioxide (CO2).


Everyone really contributes to the production of carbon dioxide or greenhouse gas that causes global warming.


A pilot of an airplane has two different tasks, the take off is not the hardest part but the landing itself.

Ray of Light
Our duty as a human in preserving the environment to avoid our destruction means a lot of -effort, -energy, -time, -discipline, -concern, -commitment, -perseverance, -love and -help of God.

Monday, April 25, 2011

PERSTAYM: DIAMOND PEEL SA HBC


Kami ay nagpa-"diamond peel" sa HBC Monumento.


Sa pagkakataong ito, hindi ko maiwasan ang maiyak. Bakit? Ang sakit pala kapag tinatanggalan ka ng "white heads" sa mukha. Talagang tumulo ang luha ko sa sakit!


Una ay nililinis ang mukha gamit ang "facial cleanser" at lalagyan ito ng "cream." Itatapat sa isang makina na naglalabas ng singaw o "steam" upang palambutin ang balat. Tatanggalin ang "white heads" at muling hahaguran ng "facial cleanser." Isang aparato na mayroong diamante sa loob, ihahagod ito sa buong mukha upang matanggal ang mga patay na balat. At upang magsara ang mga butas sa mukha o tinatawag na "skin pores," dadantayan ng malamig na metal ang mukha.


Ang saya 'di ba?


Ako ang nauna sa aming dalawa sa pila upang hindi tamarin ang gagawa nito. Kasi mas mahirap linisin ang mukha ko kaysa sa kasama ko. Hehe!


Tumagal ng 45minuto ang proseso. Ito raw ay depende sa kalagayan ng mukha ng isang pasyente. Kung kaunti ang "white heads" at malambot ang mukha ng pasyente, mas mabilis.


Nakakagaan ng pakiramdam at masarap mahawakan ang malinis na mukha. Kaya maaari pa itong maulit sa mga susunod na panahon.


Salamat kay Jaziel Oliveros dahil sa "beauty certificate" mula sa HBC.

Wednesday, April 20, 2011

BLOGGERS FEST SA THUNDERBIRD RESORTS


Kamakailan ay naganap ang Bloggerfest sa Thunderbird Resorts sa Binangonan, Rizal.
Thunderbird Resorts
Ang kalipunan ng mga samahan at magkakaibigang blogger ay bumuo ng isang ganitong pagtitipon. Napapaloob sa buong programa ang:

Sunday, April 17, 2011

PUERTO GALERA AT CALAPAN SA AMING MGA PUSO


Biyernes, ika-1 ng Abril, taong 2011, naglakbay kami patungo sa Calapan, Oriental Mindoro upang saksihan ang pag-iisang dibdib ni Bb. Kristine Macariola at G. Lennon Roy Abadilla Guibao
"Tamarraw Falls"
Mula sa Ali-mall, sumakay kami sa isang bus patungong Pier ng Batangas. Ako, si Jaziel Oliveros, Laiza Yalung at Pauline Vejar ang magkakasama sa bus. Upang maipahinga ang pagod na katawan mula sa kalahating araw ng trabaho, natulog muna kami. Dumating kami sa Pier ng Batangas na dala ang maraming pagkain, gamit at lakas ng loob upang sumakay ng barko para sa mga ngayon pa lang makakasakay ng barko.
...bago dumaong sa Pier ng Calapan
Sumakay kami ng "Montenegro Shipping Lines" sa ganap na ika-6 at kalahati ng hapon. Hindi natapos ang bawat minuto na puno ng kwentuhan mula sa mga nakalipas na paggawa tulad ng trabaho, kaalaman, karanasan at mga personal na problema. Dumating kami ng Pier ng Calapan ng ika-9 ng gabi. Inihatid kami ng tricycle mula Calapan hanggang sa bahay ng mga magulang ng ikakasal. Doon kami tumuloy hanggang sa maganap ang isa sa mahalagang araw ni Bb. Kristine Macariola at G. Lennon Roy Abadilla Guibao.

Sunday, April 10, 2011

Pa'tner!!!



Tulad ni Ginoong Carlo Ople, ako ay isang malaking tao. Hehe!


Kulang rin ako sa ehersisyo. Una sa lahat, wala kasi akong pares ng sapatos na maaaring na pangtakbo o pang-ehersisyo.


Mayroon ako noong sapatos na sinusuot sa "gym" o sa mga imbitasyon ukol sa pagtakbo ngunit dahil sa sikat na bagyong "Ondoy", lumubog ito sa tubig-baha na may putik. Matagal itong nababad kaya nilinis at pinatuyo ko ito. Matapos ang ilang mga araw, ginamit ko ito. Napansin ko na lumutong ang ilalim ng aking sapatos at ano ang nangyari? Natuklap ito na parang balat ng punong-kahoy.


Nawala ang sapata(outsole)!!!


pa'tner!!!
Sumama ang loob ko dahil na rin isa ito sa paborito kong sapatos. Presko, malinis tignan, masarap sa paa at higit sa lahat, ang isa sa pinakamahal kong sapatos na nabili noon gamit ang aking naipong pera. Kung titingnan sa ibabaw, maputi ang bawat sintas nito dahil busog sa alaga.