Kami ay nagpa-"diamond peel" sa HBC Monumento.
Sa pagkakataong ito, hindi ko maiwasan ang maiyak. Bakit? Ang sakit pala kapag tinatanggalan ka ng "white heads" sa mukha. Talagang tumulo ang luha ko sa sakit!
Una ay nililinis ang mukha gamit ang "facial cleanser" at lalagyan ito ng "cream." Itatapat sa isang makina na naglalabas ng singaw o "steam" upang palambutin ang balat. Tatanggalin ang "white heads" at muling hahaguran ng "facial cleanser." Isang aparato na mayroong diamante sa loob, ihahagod ito sa buong mukha upang matanggal ang mga patay na balat. At upang magsara ang mga butas sa mukha o tinatawag na "skin pores," dadantayan ng malamig na metal ang mukha.
Ang saya 'di ba?
Ako ang nauna sa aming dalawa sa pila upang hindi tamarin ang gagawa nito. Kasi mas mahirap linisin ang mukha ko kaysa sa kasama ko. Hehe!
Tumagal ng 45minuto ang proseso. Ito raw ay depende sa kalagayan ng mukha ng isang pasyente. Kung kaunti ang "white heads" at malambot ang mukha ng pasyente, mas mabilis.
Nakakagaan ng pakiramdam at masarap mahawakan ang malinis na mukha. Kaya maaari pa itong maulit sa mga susunod na panahon.
Salamat kay Jaziel Oliveros dahil sa "beauty certificate" mula sa HBC.
No comments:
Post a Comment